Wednesday, December 13, 2017

Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, ang mahabang panahon ng digmaan, epidemya, at kaguluhang ekonomiko ay nagwakas. Isang bagong pananaw na nagbigay pangako, tiwala, at sining ang pumalit. Ang mga pagbabagong ito ay naghudyat sa simula ng isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan na Renaissance. Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang “muling pagsilang.” Ito ang panahon sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Sa panahong ito, muling pinanumbalik ang mga klasikal na kultura ng Gresya at Roma. Umiral ito mula ika-14 hanggang ika-16 na siglo.
Ang Renaissance ay nagbigay-daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at eskultura. Naging inspirasyon din ng mga mangangalakal ang Renaissance dahil naging maunlad ang ekonomiya. Sa larangan ng eksplorasyon, binigyang-sigla ng Renaissance ang mga manlalakbay na galugarin ang mundo. Ito ay isang panahon na nabuhay na muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. At dulot nito, nakilala ang mga taong may kakayahan sa iba’t ibang larangan. Napahalagahan din ang papel ng pangkaraniwang tao at mga kababaihan.
                           

REPLEKSYON: Mabuti ang naidulot ng panahon ng Renaissance dahil nagkaroon ng bagong pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral dahil nakatuon ang interes ng tao sa disenyo at istilo sa pamahalaan sa edukasyon. paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal at wastong pag-uugali. Ang malayang pag-iisp ng tao ang nagpalawak ng kanyang pananaw at ideya kaya dito nagsimula ang pagbabago sa sining at agham



No comments:

Post a Comment